meron ka palang close up video sa youtube ung grad3 na vid
ngaun ko lang nakita un, its funny how it makes me cry….
naiiyak ako pag nakikita ko ung smile sa mga labi mo
naiiyak ako pag nakikita ka, kung gaano ka kaganda
di ko alam pero every night, i think of you
nasasaktan talaga ako, di kita pwede kausapin
ang hirap isipin na dalawang taon ang bubunuin ko na wala ka
pano kung makahanap ka na ng iba, iiyak ako ng sobra
may tiwala ako sau na ok ka, di ka katulad ng iba
wag ka sana gagawa ng mga bagay na ikakagalit ko sayo
huwag mo na sana akong pahirapan kung wala na talaga
pero maghihintay ako, kahit gaano kasakit
hindi ko lang maintindihan kung bakit?
bakit nangyayari sakin ito?
di ako mabait para maranasan ang mga bagay na ito
im not worth this obstacle
i think para lang to sa mababait, nagkamali ata SIYA ng pinatamaan ng problemang ito
sobrang sakit, napakasakit, di ko na ata makakaya
pero anong magagawa ko, wala na, pero aasa pa ba ako? dapat, mahal ko eh..
wala akong pakialam sa iba, nagiging suplado na nga raw talaga ako sabi ng bestfriend ko
hindi ko alam, bakit ganito ang nangyari sakin…
di ko ito gawain, di ko alam kung bakit
sa umaga pinipilit kong ngumiti, na parang walang nangyayari sakin
pero di mo pala talaga pwedeng lokohin ang sarili mo, lalabas at lalabas talaga un
sa oras na gumalaw ako, nakakaya ko, kaylangan ko maging consistent sa pag galaw, kaylangan
pero pagkatumigil nako sa kakagalaw, ayan na, wala na, tulo na ang tutulo
di ko ito sinusulat para bumalik ka, gusto ko lang malaman mo ang saloobin ko
un eh kung nagbabasa ka pa nga ng mga bagay tungkol sakin
nahihirapan ako, di ko sinasabi sa bestfriend ko, sa lahat, ang sakit dahil sinasarili ko
walang makakabasa nito, kung papalarin, ikaw lang, di ko hinihiling na mabasa mo ito
dahil ayokong makadagdag pa sa pasanin at iisipin mo
sana, kung magkatotoo man na dalawang taon pa talaga
parehas taung maging loyal sa isa’t isa
sana akin ka lang at ako’y sayo lamang parin ang motto naten
kaya ko maghintay, kakayanin ko maghintay, di ako maghahanap ng iba
walang mangyayari kung gagawa pa ako ng katangahan, ikaw ang mahal ko eh
ayoko na magkarelasyon pa sa ibang tao, ikaw na talaga ang gusto ko
oo at marami pang babae sa buong mundo, pero di nila kaya ang ginagawa mo sakin
ikaw lang ang nakakapanakot sakin, ikaw lang ang sinusunod ko sa lahat ng mga nakarelasyon ko
sana isave mo ang lahat para sakin, gaya ng pangako mo dahil ako, tutuparin ko lahat ng sinabi ko
may tiwala ako sayo, kaya mo yan, andito parin lang naman ako eh, di kita iiwan
basta kung handa ka na, wag mo na hintayin ang dalawang taon, kasi pinapahirapan moko eh
nakakainis ka, pero mahal talaga kita, ikaw lang ang minahal ko nang ganito
lahat ng paraan ginagawa ko na para mapabilis, sana malapit na, gusto ko narin makita ang anak ko eh
sana bukas, pagharap ko dito sa pc ko, di nako iiyak, di nako malulungkot
pero asa pa ako, ang tanga tanga ko talaga, kinakausap ko ang sarili ko, wala kasi makausap na iba
di ko alam kung tama to, nagpapakabading ako dito habang alam ko naman na wala na talagang darating
matagal pa darating dahil sya nga ang umalis at nagpaalam naman sya na matatagalan sya
pero andito talaga ako, baka kasi naiwan nya ung panyo nya, nagbabakasakali ako palagi
sana mamaya na, sana bukas na, walang humpay na pag-asa
di ko maipapangako na palagi akong ganito
pero kung matigil man ako sa paghihintay ng ganito, maaring busy ako or maraming ginagawa
pero hindi eh, kahit busy ako, talgang i make sure na makakaOL ako, syempre ganun talga ako umasa eh
basta sana, bukas na, sana, sana, tapos na ang pagiyak ko gabi gabi
sana masanay ako kahit konti(na alam kong malabong mangyari)
sana bumalik ka na, nahihirapan na talaga ako, pero kung di ka pa talaga handa
tuparin mo lang ang pangako mo, lahat ha, lahat ng pangako mo
ill be more than relieved, at palagi mong iingatan ang sarili mo
di pa ako sumusuko, pinapaalalahanan lang kita, na kahit mejo bumitaw ka, hawak ko parin ang bestida mo
di kita hahayaang mahulog, parati akong nasa likod mo, naninilip sau
may karapatan naman akong gawin un, akin ka lang eh, hehe
basta tandaan mo parati, mahal na mahal kita
di ako maghahanap ng iba, ayokong kalimutan ka kahit sobrang naluluha ako pag naaalala kita
kahit na basang basa na ang unan ko at natatakot si mike pag gabi dahil akala may multong naiyak
kahit na ano pang mangyari, tutuparin ko yan lahat ng pangako ko
di ako makakalimot, tinitiis ko lang dahil kaylangan mo nga at nirerespeto ko ang desisyon mo
tandaan mo, di pako nasuko sau, binibigyan lang kita ng oras
pag di ko na talga kaya, humanda ka, kahit ayaw mo
masakit talaga ito, pero sana kayanin ko pa
-super daddy juu(-_-)